Kumusta aming panauhin? Salamat sa pagbisita, malalaman natin ngayon ang tungkol sa Pang-uri.
Ang PANG-URI ay salitang naglalarawan sa katangian o bilang ng pangngalan at panghalip.
May apat na uri ng panguri.
1.PANLARAWAN-nagsasabi tungkol sa hitsura ,laki,lasa,amoy,hugis at iba pang katangian ng pangngalan at panghalip.
Halimbawa: Ang mababait na kapitbahay ay tumutulong sa magkakapatid.
2.PAMILANG-nagsasabi ng dami o bilang ng pangngalan at pang-halip.
May  anim na pamilang.
1. Patakaran/Kardinal – bilang sero hanggang trilion hal. isa ,dalawa, tatlo
2. Patakda/tiyak na bilang – inuulit ang unang pantig ng salitang bilang.
hal. iisa,tatatlo,dadalawa,aapat
3. Pahalaga – pera ang tinutukoy
hal. mamiso,mamiseta,piso
4. Pamahagi – paghahati-hati o pagbabahagi
hal. 1/4 – sangkapat,3/4 – tatlong kapat,8/10 – walong kasampu
5. Panunuran/Ordinal – pagkakasunod-sunod ng mga bilang
HAL. una,ikalwa,ikatlo / pangalawa,pampito,pangwalo
6.Palansak – grupo o maramihan;inuulit ang unang salita o nilalagyan ng panlapinh han/an.
hal. tatlu-tatlo , pitu-pito / waluhan,limahan

3.PANTANGI- may anyong pangngalang pantangi na naglalarawan sa isang pangngalan.
Halimbawa: Ang bus ay biyaheng Bicol
4.PAARI- mga salitang paari na tumuturing sa pangngalan.
Halimbawa: Mababait ang mga kapitbahay nila.

Leave a reply to Pang-uri