Salamat sa pagbisita mga kaibigan, at karangalan po namin ang makasama kayo! Dito po’y sama-sama nating matutunan at bihasain ang ating pinakamamahal na asignaturang Filipino. Ang asignaturang Filipino ay makatutulong upang mas maging lalawak ang ating kaalaman sa pagsusulat, pagbabasa at pagsasalita ng ating Wikang Pambansa; at upang maunawaan nating mabuti ang ating tradisyon, kultura at kahalagahan bilang isang Pilipino.

 

Ako’y Isang Pinoy!

Maipagmamalaki mo ba’ng ikaw ay isang pinoy? Sana’y may matutunan kayo sa tugtug na ito-

 

Bakit ba importante ang wika para sa atin?

Importante ang wikang Filipino kasi ito ang tanging pamamaraan na mapaabot natin ang ating damdamin at kaisipan gamit ang pagsasalita at pagsusulat. Ito ang ating layunin sa pagsimula sa websayt na ito, at ito po’y handog ko sa inyo para mas kasiya-siya ang pag-aaral ninyo ng asignaturang Filipino.

Dito po’y tatalakayin natin ang lahat ng aspekto ng gramatika at panitikan ng asignatura, na magagamit ng mga mag-aaral sa Sekondarya. May pagkakataon ding ibahagi ko ang aking mga banghay-aralin na magagamit din sa mga estudyanteng nag-aaral ng edukasyon o sa mga bagong guro. Maglathala ako ng mga maikling kwento, dula, tula, pabula, epiko, alamat, Florante at Laura, Ibong Adarna, atbp. na magagamit ninyo sa pag-aaral ng asignaturang Filipino.

 

Ang Awtor

Cherissa A. Omega - www.Pandiwa.comSi Gng. Cherissa Abay-Omega ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Unibersidad ng San Jose – Recoletos (University of San Jose-Recoletos) sa kursong Bachelor of Secondary Education – Filipino, at nakakuha na ng 39 na masteral units ng Filipino sa Cebu Normal University. Siya’y nagsimulang magturo ng asignaturang Filipino sa taong 2001 sa pribadong mga paaralan gaya ng The Sisters of Mary School-Girlstown, Asian College of Technology, University of San Carlos, Sacred Heart School – Ateneo de Cebu; at tatlong taong pagtuturo sa pampublikong paaralan tulad ng Mandaue City Comprehensive National High School, Cabancalan National High School at sa kasalukuyang Canduman National High School sa Siyudad ng Mandaue, Lungsod ng Cebu. Siya’y nakadalo ng maraming seminar ukol sa asignaturang Filipino at naniniwala na ang teknolohiya ay may napakalaking tulong sa paglinang ng kaalaman at karanasan sa ating pambansang wika.